Martes, Hulyo 29, 2014

Tinapos Agad Kahit Marami pang Gustong Magsalita

Noong nakaraang June 24, 2014 isinagawa ng LTFRB-7 ang Public Hearing sa isang eskwelahan tungkol sa hinihinging taas pasahe na P2.50 ng mga jeepney drivers, pero biglang iniurong ng Citrasco Chairman na si Benjamin Ryan Yu ang petisyon sa taas pasahe at ipinarating sa LTFRB-7 na aksyonan na lamang ang talamak na kolurom sa mga PUV para mabawas-bawasan ang kompetensya ng mga tsuper.
(Photo courtesy of metrocebu.com.ph)

Ang pinagtataka namin ay hindi nga daw umabot ng 15 minutes pagkatapos mag-umpisa ng nasabing public hearing ay itinigil na ito kahit marami pa sa mga dumalo ang gustong magbigay ng kanilang opinyon o may maraming pang sasabihin sa LTFRB-7. Pagkakataon na sana yon para pakinggan ang mga suggestions ng masa, mga hinaing ng mga pasahero sa mga paulit-ulit na problemang hinaharap nila kapag sumasakay sila ng jeep, pero hindi na sila binigyan ng pagkakataon ng LTFRB-7 at agad-agad itinigil ang hearing.
Kahit man lang pinalipas muna ang isang oras, o di kaya pinagsalita sa harapan ang gustong magsalita. Napakalaki pa ng oras na sana pwede naman pakinggan ng mga opisyal ng LTFRB-7 ang mga gustong magsalita, pero wala silang ganang makinig, nakita pa sa TV na may gustong magsalita pa sana sa public sector pero itinaas ng nga taga LTFRB-7 ang kanilang kamay tanda na ititigil na nila ang hearing.
Di ba sila pwedeng makinig man lang muna? ni wala pang 15 minutes, marami pang gustong magsalita, pero di na binigyan ng pagkakataon ng LTFRB-7? Ang iba kararating lang, ni hindi pa uminit ang likod sa kanilang kinauupoan, uwian na agad? Wala bang karapatan ang taong bayan magbigay ng kanyang opinyon sa mga opisyal ng LTFRB-7, at ayaw na nilang makinig? Pagkakataon na sana yon para makasagot naman ang mga tsuper kung ano man ang reklamo ng mga pasahero sa kanila at andyan ang taga LTFRB-7 para maiayos ang isyu. Pero taga LTFRB-7 mismo ang hindi interesado.
Goodluck nalang kay Mr. Ryan Yu, na umaasang magtratrabaho ng maayos ang LTFRB-7 para mabawasan ang mga kolorum na mga sasakyan sa daan, ni wala ngang nagawang pagbabago ang LTFRB-7 sa pamununo ng Direktor nilang si Ahmed Cuizon para matigil ang mga overnight parking na kitang-kita kung gabi sa mga kalsada ng Metro Cebu e, ang mga kolorum pa kaya namahirap hulihin kasi hindi mo naman malalaman sa unang tingin?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento