Lunes, Marso 17, 2014

Maraming Suggestion, Walang Gana sa Operasyon!





Naalala ko dati, habang nanonood ako ng TV tungkol sa public hearing na isinigawa ng Ltfrb-7, maraming suhestyon ang publiko para makatulong sa Ltfrb na mapatupad ang batas, at habang pinakikinggan ko ang ilan sa mga yon, masasabi kong maganda sana kong talagang ipapatupad ang mga yon. Nandoon mismo si Ltfrb-7 Director Ahmed Cuizon kasama ang ilang matataas na opisyal ng kanyang opisina habang ang publiko ay buong pusong nag-aalay ng kanilang naiisip na paraan para mapaganda ang takbo ng transport section sa Rehiyon 7. Heto ang ilan sa mga naaalala ko at paanong ang mga suhestyon na ito binawaleng wala ni Cuizon at ng mga kasama niya.



1) Magkaroon ng regular na check-up ang Ltfrb sa mga pampublikong sasakyan para malaman ang mga bulok at hindi na dapat ibyahe. Yon bang sirang-sira na at kulang sa maintenance na kapag umuulan e kawawa ang mga pasahero dahil siguradong mababasa, o di kaya ang mga upoan ay ilang taon nang di naayos na kapag nakaupo ka kulang nalang masisira dahil sa sobrang kalumaan. - Hindi ito napatupad ng Ltfrb, ang sagot ni Cuizon noon pag-iisipan pa nila, pero kapag tinatanong na siya tungkol dito pagkalipas ng ilang mga buwan, ang sagot niya ay ang dating bulok pa rin na dahilan na kulang sila sa tao. Naku naman, wala ba kayong budget para maisagawa at maiayos ang bulok na dahilan na yan?



2) Dahil usong-uso nga ang pagiging tuso ng mga jeepney drivers na kahit kitang-kita na estudyante ang pasahero hindi ito binibigyan ng discount na 20%, may nagsuggest na para malaman talaga ng lahat ng estudyante na may discount sila sa pamasahe, maglagay ng signage o kartola ang Ltfrb sa mga exit ng paaralan kung magkano lang dapat ang pamasahe ng estudyante. Halimbawa: Student Minimum fare P6. For violation call Ltfrb Tel. ___. Dahil hanggang ngayon, marami pa ring mga estudyante ang hindi alam na may discount sila sa pamasahe o kung may alam man sila, akala nila less P1 lang sila, pero ang totoo ang discount nila ay 20%. Sa pamasaheng P7.50 lang, P6 lang sila. Maraming nagbabayad ng P7 na estudyante sa jeep. Ibig sabihin, kulang ang nalalaman ng mga estudyante tungkol sa fare discount. - Hindi na daw kailangan ito dahil nabalita na ito sa mga pahayagan at sa radyo na ang mga estudyante may discount sa pamasahe. Kung talagang tama ang pag-iisip nitong si Cuizon, dapat nyang maintindihan na maraming estudyante ang hindi nanonood ng mga balita o nagbabasa ng mga diyaryo, kung nagbabasa man showbiz page ang hilig ng mga babae, at sa mga lalaki sports section. Ipalagay na natin na hindi narealize ito ni Cuizon, pero may nasasagap siyang maraming balita at reklamo sa opisina niya mismo na maraming drivers ang hindi nagbibigay ng discount sa pamasahe ng mga estudyante. Ang palagi nyang sagot dyan ireport sa kanyang opisina para mahuli nila. Teka, don tayo sa suggestion, hindi ba kaya ng Ltfrb-7 na sundin ang suggestion putting a signage sa mga exit ng paaralan that says how much is the minimum fare ng mga estudyanteng pasahero? Bakit panay ang hambog nila na ireport sa kanila na para bang mabilis silang manghuli e tambak na nga sila ng mga kasong di pa nila nahuhuli na natatagalan na? Alam mo ba ito Cuizon? Ang hirap sa yo, sirado ang taenga mo pati utak mo sa pag-iisip. Ang suggestion na ito ang magbibigay ng lakas ng loob sa mga estudyante na magreklamo sa drivers sa loob mismo ng jeep, kung di sila binibigyan ng discount kasi nakita nila ang paalala ng Ltfrb kung magkano lang ang pamasahe nila. At dito malalaman nila na 20% ang discount nila at hindi piso. Baka tinatamad ka lang magpatupad nito Cuizon dahil dagdag trabaho na naman ng opisina mo. May mali ba sa suggestion na ito? Di ba wala naman?




3) Maglagay ng tarpaulin sa mga terminal ng malls o sa mga lugar na talamak ang maling pangongolekta ng pamasahe na nagsasabi kung magkano ang minimum at kung magkano talaga kung aabot ka sa dulo ng ganung byahe. Sa isang interview sa local na radio station, tinanong si Cuizon bakit dumarami ang mga drivers na imbes mangolekta ng mga P15 for two passengers, P16 daw ang kinukuha ng mga ito, kahit ang minimum na pamasahe ngayon ay P7.50. Nakangiti pa itong si Cuizon na sumagot na may mga kababayan daw tayong drivers talaga na mga tuso, na ganun ang kalakalan. - Talaga yatang tagilid ang pag-iisip nitong si Cuizon ano, di ba dapat pag may narining ka na ginagago ang batas na ginawa ng opisina mo ay dapat tatas ang kilay mo? o di kaya magagalit ka at ang tunog ng boses mo ay mala-Duterte kasi alam mong may mga taong inaabuso ang utos ng ahensya mo kung magkano lamang ang tamang pamasahe? Bat itong si Cuizon nakangiti pa? Tang ina, nag-utos ang Ltfrb na P7.50 pala ang pamasahe tapos kung magbabayad ang dalawa gagawin ng driver P16 ang kukunin? Ano ang tawag dyan Cuizon? Tapos nakangiti ka pa ng pinaalam sa yo ito? Ang suggestion na maglalagay ng tarpaulins na nagsasabi kung magkano ang minimum fare ay tama kahit sino ang tanungin mo. Ang sagot mo din dito di na kailangan. E bakit dumadami ang mga drivers na gumagawa ng pangongolekta ng sobra? At ang mga pasahero balewala lang, kasi akala din nila P8 ang minimum na pamasahe. Ngayon, sasagot ka na di na kailangan? Sumakay ka ng jeep Cuizon, isang buwan para makita mismo ng mga mata mo paano binababoy ng mga drivers o kundoktor ang batas madatos ng ginawa ng Ltfrb-7. At pagkatapos dun ka ngingiti-ngiti para dapat nang itawag sa yo - Baliw!



Kahit ganito lang ang hitsura ng tarpaulin na pwedeng ilagay ng Ltfrb-7 sa mga malls at schools, malaking tulong na sa information drive ng mga pasahero. Bakit hindi ito ginawa ni Cuizon? Kung hindi niya naisip, may nagsuggest na, pero ang utak ni Cuizon ay talagang sirado sa pagpapatupad ng mga bagay na malaki sana ang maitulong sa kanilang ahensya.




Marami pang suggestion na natanggap ang opisina ni Cuizon pero ewan ko kung anong laman ng ulo niya. Siguro pinipili lang niya ang gusto nyang ipatupad o yong hindi masyadong mahirap, pero alam naman nating lahat na maraming nasa batas na responsibilidad ng Ltfrb-7 na hindi na naipatupad. Pero sana dahil mahilig ngang magparinig itong si Cuizon na handa siyang makining sa mga suggestion ng taong bayan, sana seryosohin nya naman, makikinig lang pala itong si Cuizon pero mapupunta sa wala ang mga dapat sanay makakatulong sa mga pasahero at transport sector. Pagpinakikinggan mo itong si Cuizon sa radyo, boses malumanay ito na akala mo seryoso at gumagawa ng tamang trabaho sa Ltfrb-7, yon pala maraming palpak at bingi sa suggestion ang taenga nitong si Cuizon. 

Ngayong may nalalapit na namang public hearing tungkol sa pagtaas ng pamasahe, makakarinig na naman tayo ng mga good suggestions mula sa taong bayan, makikita na naman natin itong si Cuizon pati ang kanyang mga kasama na makikinig sa taong bayan, pero marami sa mga mungkahi ang pinalulusot lamang ni Cuizon sa kabila nyang taenga. Kahit alam natin na ang ibang suggestions, maganda sana kung maipatupad, pero dahil utak kalabasa itong si Cuizon hindi siya gagawa ng paraan para maipatupad ang mga yon. 




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento