Sabado, Marso 8, 2014

Overnight Street Illegal Parking. Ano ang Nagawa ng Ltfrb?

Hindi na kaila sa atin na kapag umuwi tayo sa gabi galing trabaho, habang nagmamaneho nakakapansin tayo ng mga nakaparadang sasakyan sa daan na para bang ginawa na ng ilan ang kalsada bilang kanilang sariling parking area. Kadalasan dito ay mga taxi na parang walang kinatatakutan kahit na nasa batas na bawal ang ganyang gawain. Sa Cebu nagiging normal na sa mata ng karamihan ang ganitong kalokohan.


Ang ahensya ng gobyerno na inatasang umaksyon sa mga ganitong bulok na ugali ng ilan sa atin ay ang Land Transportation and Regulatory Board. Ang bawat operator na mag-aaply ng prankisa ng isang pampublikong sasakyan ay kinakailangang magsubmit ng litrato o sketch ng kanilang garage at ebidensya sa pagmamay-ari ng garage na yon sa loob ng limang taon o higit pa. Sinasaad din na dapat ang garage ay dapat 35 square meters kada unit para sa mga bus, 20 to 25 square meters para sa mga jeep at 15 square meters per unit para sa mga taxi.
Pero ang inspeksyon sa actual na lugar ay hindi na ginagawa ng Ltfrb 7 dahil kulang daw sila sa tao. Hindi pa ba tayo nabibingi sa mga ganitong kadahilalan?


 Inatasan din ang mga Regional Directors ng Ltfrb sa buong kapuloan na magsagawa ng inspeskyon sa lahat ng parking garage ng lahat ng pampublikong sasakyan kada isang taon, meaning hindi pa kasali diyan yong pag-inspeksyon sa lugar noong nag-apply palang ng prangkisa ang isang may ari o operator. Hindi rin nagagawa ito ni Cuizon at kung may nainspeksyon man siya, sigurado yon lang yong mga nasasangkot sa gulo o di kaya yong nabalita sa media para pag tinanong siya ng mga reporter, handang handa na siya na parang ang dating sa mga nakikinig at nanonood ng mga news ay ginagawa naman pala nitong si Cuizon ang kanyang trabaho.



Talaga lang ha, talamak na talaga ang ganitong kalokohan ng mga operators at si Cuizon mismo ay may power siyang bigyan ng leksyon ang sino mang hindi sumusunod sa batas. Pwede nyang irevoke o kanselahin ang prankisa ng mga tarantadong gumagawa ng kalokohan sa batas ng garage parking. Hindi na naiisip ni Cuizon na kung may isang sinungaling na operator na nagpakita sa kanya ng parking garage claiming na kanila yon pero sa totoo naman ay hindi, siya ang unang ginagawang gago? Na kung may litrato nga ng garage pero after a few months tinatayuan na ito ng estraktora at ginawang negosyo si Cuizon na nalalagay na unang naloko? 



May utos na din dati noong 2013 concerning Ltfrb 7 Officials and employees na ireport sa kanilang Regional Director ( Cuizon ) kung may nakita silang ganitong labag sa batas na gawain tulad ng illegal parking sa daan tuwing gabi. Ang tanong may nagreport ba?



Noong nakaraang taon sinabi din ng taga Ltfrb 7 na isa sa mga misyon nila ay siguraduhin na may tamang parking space garage ang mga pampublikong sasakyan tulad ng nakasaad sa batas. Cuizon? Ano na? Ano na ang nagawa mo tungkol dito?



Hindi ka ba pwedeng magalit sa mga manloloko? Di ka ba marunong mainsulto na ginagago ka lang ng karamihan? Kahit magalit ka man lang sa mga tao mo, kasi sila mismo inutusan na magsumbong sa yo kung may mga illegal parking silang nakikita. Kung di sila nagsumbong, di ka ba nagtanong na 'Asan na ang mga report nyo? Imposibleng wala kayong nakita". Sige pakikinggan natin yang rason mo na kulang ka sa tao, helongkingkong naman, wala ka na bang magawa dahil kulang ka sa tao? Yon ngang mga tao mo dyan na tao mo na inutusan ngang magreport sa yo, walang nagsumbong sa yo. Inutusan sila pero binalewala nila? Kung ako ikaw, sinuspend ko isa-isa yan.



Ayosin mo ang trabaho mo Cuizon. Hindi na uubra ang masyadong mabait sa posisyon na yan. May kapangyarihan kang manakot at pokpokin sa ulo ang mga hindi sumusunod sa batas. Wag ka ng magpalusot, ang kulang sa yo political will. Ilang taon ka na bilang Head, ilang ulit ka ng ginawang tanga ng mga operator. Magpakita ka naman ng yong galit at kamandag. Huwag mo nang paabutin na matapos na ang panunungkulan mo at don mo marining ang mga sabi-sabing "Si Cuizon? Wala namang nagawa yan sa Ltfrb 7, kita mo ganun pa rin, madami pa ding gagong di sumusunod sa batas.



(picture credit 4.bp)




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento