(Picture Credit: Solarnews)
Dito sa Cebu, ay walang pagkakaiba ang ganitong istilo ng pang-aabuso ng mga taxi drivers. Marami nang natanggap na ulat ang Ltfrb-7 tungkol dito at halos taon taon nalang ganito ang nakakabinging reklamo ng mga pasahero sa hindi pa ring matigil-tigil na hindi magandang gawain ng mga iilang mga taxi drivers. Pero imbes na gumawa ng operasyon ang Ltfrb-Cebu sa pamumuno ni Director Ahmed Cuizon at sundin ang Oplan Isnabero na ginagawa ng taga Maynila, si Cuizon ay ganun pa rin ang istilo ng kanyang opisina. Naghihintay ng reklamo at sila ang huhuli kung may violation ang isang taxi driver. Bakit hindi kaya mag extra effort itong si Cuizon na magsagawa ng operasyon para madami silang mahuli sa akmang paggawa mismo ng hindi tama sa batas ng mga taxi drivers? Pwede siyang makisama sa taga LTO at bantayan ang lansangan para mahuli agad ang abusado. Kung 100 taxi drivers ang gumawa ng violation noong Pasko at ang nagreport lamang na pasahero sa kanyang opisina ay 2, ibig sabihin ni Cuizon ay ang 98 libre nalang dahil walang complain? Kaya nga tinawag na Oplan Isnabero ang programang ito ibig sabihin operation at hindi yong maghihintay ka ng complain sa opisina at don na kayo magkakarandarapang manghuli. Kagagohan yan! Ganun din sa Maynila pwede kang magcomplain sa kanilang opisina ng Ltfrb, pero naglungsad pa rin sila ng Oplan Isnabero dahil alam mismo sila na maraming pasahero ang busy sa kanilang trabaho at bisita tuwing Pasko at hindi na interesado magreklamo at pumunta pa sa opisina ng Ltfrb.
Sana mapansin ng Deparment of Transportation and Communications ( DOTC) itong katamaran ni Cuizon na sundin ang Oplan Isnabero at ipatupad ito sa Region 7, o dito na mismo kung saan malapit ang kanyang opisina, dito sa Cebu City. Ilang Pasko na ang nagdaan pero wala tayong nakita sa mga malls na tauhan ng Ltfrb-7 na manghuli sa mga abusadong taxi drivers. Ang palagi nating naririnig kay Cuizon? Itawag sa kanyang opisina para itoy kanyang mapatawag. Kung walang tatawag, walang huhulihin kahit araw-araw tuwing Pasko marami tayong naririnig na namimili ng pasahero ang mga taxi drivers.
Ano kaya ang laman ng utak nitong si Cuizon? Sana mapukpok ng pangulo ang batok nito para matauhan. Halatang kulang sa political will itong si Cuizon e. Pero mabilis itong magpapapel na bigla nalang magpaparinig sa media na may gagawin silang operasyon na icheck daw nila ang mga bus sa terminal dahil Holy Week na, o di kaya pag may aksidenteng naganap agad agad nyang sabihin sa interview na pinatawag na nila ang operator at may ginagawa na silang imbestigasyon tungkol sa aksidente. Bukas din itong linya ni Cuizon sa lahat ng interview para magkaroon ng impression ang media sa kanya na madali lang siyang tawagan pag kailangan ang panig niya. Pero pag napag-uusapan na ang mga trabahong hindi pa nagagawa ng Ltfrb-7, agad itong magsasabi na wag mag-alala at titingnan nya kung anong magagawa nya dito.
Suggestion ko lang sa mga Radio blocktimers at mga reporters mapa tv man o radio magresearch muna ng malaliman ( o di kaya basahen ang buong blog na to) at yon ang itanong nyo kay Cuizon, yong mga isyong hanggang ngayon wala pa rin siyang nagagawa. Katulad nong overloading na nakikita natin gabi-gabi sa byaheng Carcar, Danao, Tabunok at kung saan-saan pa. Isali nyo pa yang Overnight parking at ano ang gagawin nya dyan, may pangako sila dati sa tutuunan nila ng pansin yan, naging pansit na at panis ang pangako ng Cuizon na yan.
Mahirap talagang magtiwala sa taong walang tapang, maraming salita wala namang malaking pagbabagong nagagawa sa kanyang ahensya!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento