Lunes, Marso 31, 2014

Time for a Change for Ltfrb Cebu

Dapat ng baguhin ni Ahmed Cuizon ang kanyang pamumuno sa Ltfrb-7. Dapat na nyang matutunan ang gumamit ng kamay na bakal kung gusto nyang baguhin ang kanyang ahensya. Ipatawag nya dapat ang lahat ng kanyang tauhan at kung sino mang mapatunayang nagpabaya sa kanilang trabaho ay dapat tanggalin na. 

Sa report na nabasa natin, isa sa mga palaging nirereklamo ng mga pasahero na kapag may complain sila sa Ltfrb, umaabot ng ilang buwan ang kanilang complain hanggang nawawalan na sila ng gana para ituloy pa ang reklamo. May nababasa din tayo na hindi lamang isang beses nangyayari ito kundi madaming beses na. Ano ang nangyayari sa opisina mo Cuizon? Akala ko ba sa narinig namin sa inyo nong nagpa interview ka sa isang local radio station na kapag may nagsumbong sa inyo o may reklamo kayong natanggap huhulihin nyo agad. Pero bakit may nababalitaan kaming inaanay na ang mga complains sa inyo di nyo pa nahuhuli ang dapat hulihin? Hindi ako naniniwala na hindi mo kayang baguhin ang ganitong sistema, palitan mo kung sino man ang mga tao mo dyan na tatanga-tanga na inaabot ng ilang buwan ang mga reklamo at ang mga tao mo ay palpak sa paghahanap ng solusyon. 




Una, may record kayo ng lahat ng contact ng operators, pwede agad kayong tumawag para ipaalam na may reklamo sa drivers nila. Ikalawa, pwede kayong maghingi ng tulong sa mga traffic enforcers o di kaya yong kanang kamay nyo sa operasyon, ang Land Transportation Office mismo. Ngayon, the moment na nakatanggap ng complain ang opisina mo kung may driver na gumawa ng di kanais-nais sa kanilang pasahero, ipared alert mo agad ang plate number na yan. and after a week or two kung ang mga tao mo ay wala pa ring resulta, magalit ka na. Ibig sabihin kulang pa ang effort nila, o di kaya tatanga-tanga sila sa pagfollow-up sa mga dapat hulihin. Siguro din sa tagal na ng pag-aksyon nyo bago nahuli ang driver, nawalan na ng cellphone ang complainants at di na makontak, sino ang sisihin? Kayo pa din. Pero, sa isang nabalitaan namin sa dyaryo, may nagreklamo don na di naman nawala ang cellphone nya pero wala syang natatanggap na tawag or text kung nahuli na ba ang taxi na nirereklamo nya. Oi, Ahmed, ganito na ba kagago ang mga tao mo dyan? Kung matagal na ang complain, tumawag naman kayo sa complainant at humingi ng despensa at ipaalam sa kanya bakit wala pang nangyayari sa kanyang reklamo. Di nyo ba kayang gawin ito Cuizon? Use your head and instruct your men kung anong dapat gawin. Mga bobo ba dyan ang mga tao mo? Kagaya mo mag-isip mahina?

Sa sinasabi sa isang news article na umaabot daw ng dalawa o tatlong buwan ang isang complain at di nyo pa nahuhuli, mapapaniwala nyo ba kami na magaling ang mga tao mo? May nangyayaring mali dyan. Sino namang gago ang gaganahan magreklamo sa inyo kung ganyan kayo kabagal gumawa ng aksyon? Ang palagi lang namin nababalitaan sa inyo ay isang araw lang nahuhuli nyo na agad ang isang driver o di kaya napatawag nyo na ang operator kung may aksidente nang nangyayari, at taas noo kang humaharap sa mga reporters na naaskyonan nyo na ang dapat aksyonan. Ganyan ka, pag big case, mabilis ka pa sa isang kisap mata kung umaksyon. Pero ang ibang complains sa opisina mo na inaanay na sa sobrang tagal, di mo ba pwedeng tingnan?

Ano ba talaga ang problema mo Cuizon? Region 7, deserves someone who is results oriented at kayang ipatupad ang batas transportasyon. Ang palagi mong palusot, kulang kayo sa tao, e ano ngayon ang solusyon kung ganyan? Sa mga case na natatagalan ang paghuli sa mga drivers na nirereklamo sa inyo, yon pa rin ang dahilan? o katangahan na ng mga tao mo? Hindi rin kami naniniwala na hindi nyo kayang inspeksyonin ang mga parking garage kahit paisa-isa nalang kung kulang kayo sa tao, may magagawa kayo. Baka nakakalimutan mo na si Presidente Aquino mismo ang pumili sa yo na ilagay ka sa pwesto ng Ltfrb, di ka ba pwede humingi ng tulong sa kanya para madagdagan ang tao mo kung talagang kulang kayo sa tao?


We don't see any big changes in your management of Ltfrb-7. Talamak pa rin ang overnight parking, overloaded jeepneys, at mga bagay na ginagawa ng halos lahat ng drivers ang mangolekta ng sobra, o hindi pagbibigay ng discounts sa mga estudyante pero ikaw, same strategy pa rin ang ginagawa mo. Naghihintay ng complainant sa opisina mo, buti sana kung mabilis kayong umaksyon, e kilos pagong din sa pag aksyon sa mga reklamo. Sa dami ng mga responsibilidad ng Ltfrb-7 na hindi nagagawa sa pamumuno mo Cuizon, kalabasa award ang dapat sa inyo. 

Bakit dumadami ang abusado? Ang sagot dyan, di sila takot sa yo. Di sila takot kasi wala ka namang ginagawa na matakot sila! Mas mabuti siguro magresign ka nalang at wala kang nagawang malaking pagbabago dyan sa Ltfrb!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento