Martes, Hulyo 29, 2014

Tinapos Agad Kahit Marami pang Gustong Magsalita

Noong nakaraang June 24, 2014 isinagawa ng LTFRB-7 ang Public Hearing sa isang eskwelahan tungkol sa hinihinging taas pasahe na P2.50 ng mga jeepney drivers, pero biglang iniurong ng Citrasco Chairman na si Benjamin Ryan Yu ang petisyon sa taas pasahe at ipinarating sa LTFRB-7 na aksyonan na lamang ang talamak na kolurom sa mga PUV para mabawas-bawasan ang kompetensya ng mga tsuper.
(Photo courtesy of metrocebu.com.ph)

Ang pinagtataka namin ay hindi nga daw umabot ng 15 minutes pagkatapos mag-umpisa ng nasabing public hearing ay itinigil na ito kahit marami pa sa mga dumalo ang gustong magbigay ng kanilang opinyon o may maraming pang sasabihin sa LTFRB-7. Pagkakataon na sana yon para pakinggan ang mga suggestions ng masa, mga hinaing ng mga pasahero sa mga paulit-ulit na problemang hinaharap nila kapag sumasakay sila ng jeep, pero hindi na sila binigyan ng pagkakataon ng LTFRB-7 at agad-agad itinigil ang hearing.
Kahit man lang pinalipas muna ang isang oras, o di kaya pinagsalita sa harapan ang gustong magsalita. Napakalaki pa ng oras na sana pwede naman pakinggan ng mga opisyal ng LTFRB-7 ang mga gustong magsalita, pero wala silang ganang makinig, nakita pa sa TV na may gustong magsalita pa sana sa public sector pero itinaas ng nga taga LTFRB-7 ang kanilang kamay tanda na ititigil na nila ang hearing.
Di ba sila pwedeng makinig man lang muna? ni wala pang 15 minutes, marami pang gustong magsalita, pero di na binigyan ng pagkakataon ng LTFRB-7? Ang iba kararating lang, ni hindi pa uminit ang likod sa kanilang kinauupoan, uwian na agad? Wala bang karapatan ang taong bayan magbigay ng kanyang opinyon sa mga opisyal ng LTFRB-7, at ayaw na nilang makinig? Pagkakataon na sana yon para makasagot naman ang mga tsuper kung ano man ang reklamo ng mga pasahero sa kanila at andyan ang taga LTFRB-7 para maiayos ang isyu. Pero taga LTFRB-7 mismo ang hindi interesado.
Goodluck nalang kay Mr. Ryan Yu, na umaasang magtratrabaho ng maayos ang LTFRB-7 para mabawasan ang mga kolorum na mga sasakyan sa daan, ni wala ngang nagawang pagbabago ang LTFRB-7 sa pamununo ng Direktor nilang si Ahmed Cuizon para matigil ang mga overnight parking na kitang-kita kung gabi sa mga kalsada ng Metro Cebu e, ang mga kolorum pa kaya namahirap hulihin kasi hindi mo naman malalaman sa unang tingin?

Miyerkules, Abril 2, 2014

Overloading Violation Matagal nang Pinababayaan ng Ltfrb-7

Kung pag-uusapan natin ay ang mga ahensya ng gobyernong palpak sa karamihan ng kanilang responsibilidad, hindi pwedeng hindi kasali ang Ltfrb-7, dito sa Cebu.

Pagpunta mo palang dyan sa SM City na kung saan sa daan na kaharap ay APM Mall, may mapapansin ka ng medyo matagal ng hindi tama pero araw-araw mong makikita. Ito yong mga jeep na ang laman ay sobra-sobrang pasahero. May mga upuan silang ginagamit na nilalagay sa gitna ng kanilang sasakyan para paupoan sa mga pasahero. Extension seats ang tawag dito, at ito'y pinagbabawal sa batas. Kung ilan lamang ang allowed passengers na makakarga ng jeep base sa capacity ng sasakyan ay yon lamang ang pinahihintulutan ng ating batas. May tinatawag din na total passengers allowed na makikita sa gilid ng sasakyan, pero halatang di ito sinusunod ng mga drivers na ang mga sungay ay umabot na ata sa isang ruler ang haba. 




Makikita sa larawan na handa na ang upuan na kahoy na gagamiting paupo sa mga pasahero sakali mang wala ng upuan. Ito ay pinagbabawal sa batas. Ltfrb-Cebu, tatanga-tanga sa ganitong problemang di matigil-tigil.

Ang larawan sa taas ay klarong ebidensya na wala ng takot ang mga drivers gumawa ng kagagohan. Sana maglibot-libot naman ang taga Ltfrb-7 at pag nakitang ganito agad itong hulihin, bakit para saan pa ba ang mga upuang ito? Gago lang ang maniniwalang hindi ito gagamitin kapag rush hour na ng sakayan.

Paano ba naman, ang Ltfrb-7 na mandated para magsagawa ng aksyon sa mga ganitong klaseng gawain ay walang kasing kupal sa pagiging tanga kahit pinaalam na sa kanila ang ganitong klaseng kagagohan. Sinubukan ng isa kong kakilala na tumawag sa Ltfrb-7 para humingi ng tulong dahil sa bawat pag-uwi niya maraming pasaherong nahihirapan pagbaba sa jeep dahil kailangan pang tumayo ang mga pasahero na nakaupo sa gitna na nakaupo sa extension seats. Ang sagot daw ng mokong na nakasagot sa kanyang tawag sa Ltfrb-7 ay hinihingi ang plate number ng jeep. Sumagot naman ang aking kakilala na kung yon ang kanyang gagawin baka ang mangyari araw-araw siyang tatawag sa Ltfrb-7 para magbigay ng mga plate numbers dahil araw-araw ngang nangyayari ang ganito. Bawat uwi nya galing Danao ganun ang bawat jeep na nasasakyan nya. Talamak na ang ganitong klaseng violations, pero ang Ltfrb-7 gusto pang ang mga pasahero ang maglista ng plate numbers para madali nilang mahuli daw. 

Sigurado din ako na kung sino mang gago ang nakasagot sa tawag na iyon, hindi ito umabot kay Ahmed Cuizon, ang direktor ng Ltfrb-7 na wala ring nagawang malaking pagbabago sa ahensyang kanyang pinamumunoan. Sana gumawa ng sariling hakbang ang Ltfrb-7 para matigil na ang overloading sa mga sasakyan lalo na kung dapit hapon hanggang gabi, Hinahamon ko ang mga mambabasa na dumaan kayo sa lugar na binanggit ko at kayo mismo ang makakakita kung gaano ka grabe ang ganitong problema. 

Kung may utak pa itong si Cuizon, pwede siyang magbigay ng warning sa mga gagong drivers dyan na kung mahuli sila dodoblehin ang kanilang multa pati ang prankesa ng jeep ay pwedeng ipasuspend o di kaya tuluyan ng kanselahin. Tingnan ko lang kung di matakot ang mga putang inang drivers dyan sa wala ng batas na nirerespeto basta kumita lang sila, kahit ang mga pasahero ay nahihirapan sa kanilang ginagawa. Sa ganitong istilo, kahit kulang sa tao, kuno ang Ltfrb-7, nagbibigay ito ng senyales na kapag winalang-hiya mo ang batas may paglalagyan ka. 

Pero ginawa ba ito ni Cuizon? Bakit hanggang ngayon araw-araw at gabi-gabi pa rin ang overloading dyan sa jeep byaheng Consolacion, Mandaue at Danao? Di kaya ang Middle Name nitong si Cuizon ay letter I? as in Inutil? Ahmed Inutil Cuizon. Bagay nga ano.

Gumawa ka naman ng marka sa pamumuno mo dyan sa Ltfrb-7 Mr. Ahmed Cuizon. Tang-ina, ang tagal na ng problemang ito, talaga bang gago ka at di ka makagawa ng hakbang mo para matigil na yan? Humingi ka ng tulong sa Citom, Traffic Enforcers, Police force para manghuli sa mga gagong yan. Wag yong kapag tinatanong ka sa mga ganitong klaseng abuso, nakangisi ka lang na ganun talaga ang iba nating kababayan. Binababoy na ang batas na utos mismo ng ahensya mo, nakangisi ka parin? Gago ka talaga!

Lunes, Marso 31, 2014

Time for a Change for Ltfrb Cebu

Dapat ng baguhin ni Ahmed Cuizon ang kanyang pamumuno sa Ltfrb-7. Dapat na nyang matutunan ang gumamit ng kamay na bakal kung gusto nyang baguhin ang kanyang ahensya. Ipatawag nya dapat ang lahat ng kanyang tauhan at kung sino mang mapatunayang nagpabaya sa kanilang trabaho ay dapat tanggalin na. 

Sa report na nabasa natin, isa sa mga palaging nirereklamo ng mga pasahero na kapag may complain sila sa Ltfrb, umaabot ng ilang buwan ang kanilang complain hanggang nawawalan na sila ng gana para ituloy pa ang reklamo. May nababasa din tayo na hindi lamang isang beses nangyayari ito kundi madaming beses na. Ano ang nangyayari sa opisina mo Cuizon? Akala ko ba sa narinig namin sa inyo nong nagpa interview ka sa isang local radio station na kapag may nagsumbong sa inyo o may reklamo kayong natanggap huhulihin nyo agad. Pero bakit may nababalitaan kaming inaanay na ang mga complains sa inyo di nyo pa nahuhuli ang dapat hulihin? Hindi ako naniniwala na hindi mo kayang baguhin ang ganitong sistema, palitan mo kung sino man ang mga tao mo dyan na tatanga-tanga na inaabot ng ilang buwan ang mga reklamo at ang mga tao mo ay palpak sa paghahanap ng solusyon. 




Una, may record kayo ng lahat ng contact ng operators, pwede agad kayong tumawag para ipaalam na may reklamo sa drivers nila. Ikalawa, pwede kayong maghingi ng tulong sa mga traffic enforcers o di kaya yong kanang kamay nyo sa operasyon, ang Land Transportation Office mismo. Ngayon, the moment na nakatanggap ng complain ang opisina mo kung may driver na gumawa ng di kanais-nais sa kanilang pasahero, ipared alert mo agad ang plate number na yan. and after a week or two kung ang mga tao mo ay wala pa ring resulta, magalit ka na. Ibig sabihin kulang pa ang effort nila, o di kaya tatanga-tanga sila sa pagfollow-up sa mga dapat hulihin. Siguro din sa tagal na ng pag-aksyon nyo bago nahuli ang driver, nawalan na ng cellphone ang complainants at di na makontak, sino ang sisihin? Kayo pa din. Pero, sa isang nabalitaan namin sa dyaryo, may nagreklamo don na di naman nawala ang cellphone nya pero wala syang natatanggap na tawag or text kung nahuli na ba ang taxi na nirereklamo nya. Oi, Ahmed, ganito na ba kagago ang mga tao mo dyan? Kung matagal na ang complain, tumawag naman kayo sa complainant at humingi ng despensa at ipaalam sa kanya bakit wala pang nangyayari sa kanyang reklamo. Di nyo ba kayang gawin ito Cuizon? Use your head and instruct your men kung anong dapat gawin. Mga bobo ba dyan ang mga tao mo? Kagaya mo mag-isip mahina?

Sa sinasabi sa isang news article na umaabot daw ng dalawa o tatlong buwan ang isang complain at di nyo pa nahuhuli, mapapaniwala nyo ba kami na magaling ang mga tao mo? May nangyayaring mali dyan. Sino namang gago ang gaganahan magreklamo sa inyo kung ganyan kayo kabagal gumawa ng aksyon? Ang palagi lang namin nababalitaan sa inyo ay isang araw lang nahuhuli nyo na agad ang isang driver o di kaya napatawag nyo na ang operator kung may aksidente nang nangyayari, at taas noo kang humaharap sa mga reporters na naaskyonan nyo na ang dapat aksyonan. Ganyan ka, pag big case, mabilis ka pa sa isang kisap mata kung umaksyon. Pero ang ibang complains sa opisina mo na inaanay na sa sobrang tagal, di mo ba pwedeng tingnan?

Ano ba talaga ang problema mo Cuizon? Region 7, deserves someone who is results oriented at kayang ipatupad ang batas transportasyon. Ang palagi mong palusot, kulang kayo sa tao, e ano ngayon ang solusyon kung ganyan? Sa mga case na natatagalan ang paghuli sa mga drivers na nirereklamo sa inyo, yon pa rin ang dahilan? o katangahan na ng mga tao mo? Hindi rin kami naniniwala na hindi nyo kayang inspeksyonin ang mga parking garage kahit paisa-isa nalang kung kulang kayo sa tao, may magagawa kayo. Baka nakakalimutan mo na si Presidente Aquino mismo ang pumili sa yo na ilagay ka sa pwesto ng Ltfrb, di ka ba pwede humingi ng tulong sa kanya para madagdagan ang tao mo kung talagang kulang kayo sa tao?


We don't see any big changes in your management of Ltfrb-7. Talamak pa rin ang overnight parking, overloaded jeepneys, at mga bagay na ginagawa ng halos lahat ng drivers ang mangolekta ng sobra, o hindi pagbibigay ng discounts sa mga estudyante pero ikaw, same strategy pa rin ang ginagawa mo. Naghihintay ng complainant sa opisina mo, buti sana kung mabilis kayong umaksyon, e kilos pagong din sa pag aksyon sa mga reklamo. Sa dami ng mga responsibilidad ng Ltfrb-7 na hindi nagagawa sa pamumuno mo Cuizon, kalabasa award ang dapat sa inyo. 

Bakit dumadami ang abusado? Ang sagot dyan, di sila takot sa yo. Di sila takot kasi wala ka namang ginagawa na matakot sila! Mas mabuti siguro magresign ka nalang at wala kang nagawang malaking pagbabago dyan sa Ltfrb!

Martes, Marso 18, 2014

Ltfrb-7 Ang Labo!!!

Ang complain na ito ay pinadala kay Bobby Nalzaro na inilagay nya rin sa kanyang kolumn. Another issue na mapupunta na naman ang lahat ng sisi sa pamumuno siyempre ng kanilang Director Ahmed Cuizon.


Nasa Visayan dialect ang complain na ito, address to GMA-7 Cebu and Sunstar Columnist Bobby Nalzaro.

**********************

Super Bob,
Pagka way klaro ang buhatan sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa paggunit sa mga complaints sa katawhan kabahin sa mga abusadong drivers.  Nakamatikod ko niini kay kon manawag ka sa ilahang buhatan ipasa-pasa ka sa mga tawong wa say klarong tinubagan.  Maabot ka sa ilaha gitawag nga attorney na, advise-san ka nga sa LTO ka dapat mo-complain, ug naa say moingon nimo nga sila nay bahala sa imong gireklamo ug kuhaon ang detalye sa imohang complaint:
Apan kon imoha na kining i-follow up sunod adlaw tubagon raka nga ila na kini gi-forward sa Citom ug pwede na na ikaw na mismo ang manawag sa Citom aron mangutana kon nadakpan na ba ang imong gireklamo. Hala, naunsa naman ning LTFRB, klaro kaayo ang pamahayag sa ilang dako-dako atol gyod atong pagsaka sa plitehan nga gihagit nila ang katawhan nga moreklamo kanila kon naay abusadong drivers, pero wa may klarong task force o committee nga gigama ang LTFRB aron mismo manakop sa imo gireklamo. Ipasa-pasa ka uy didto sa LTO o maabot ka sa Citom. Marag nahimog pingpong ang katawhan kon ingon-ani ang kalaki sa LTFRB. Wala gyod silay tarung na complain desk nga maoy mogonit sa imong kaso ug mag-follow-up kon ugaling man magpatabang sila sa LTO or Citom. 
Tubagon raka nga “Ambot Sir nadakpan na man siguro kay amo naman tong gi-forward sa Citom”. Nindut no, inyo gipasa ang inyo responsibilidad sa Citom nga traffic man unta ang trabaho ana unya di ninyo tubayon kon unsay nahitabo sa kaso? Sige nalang tag pangambut ani? Kinsa man gyod ang in-charge nganha kon naa tay reklamo? Ingun-ingun man mo isumbong sa inyong buhatan, diba?
Maong nanaghan ang mga abusadong drivers tungod aning kalaki sa LTFRB nga di kamao mogunit sa reklamo sa katawhan. Hinaot nga maggama silag complain hotline gyod or complain booth sa mga malls ug uban pang lugar aron klaro ang serbisyo sa katawhan kon naay reklamo.  Ug ila sad pangusgan ang tandem nila sa LTO aron masiguro gyod nga motagam ang mga abusadong driver kon madakpan. Pila kaha ka kaso nga gireklamo sa LTFRB ug LTO nga ila gigunitan ang way klarong ending no, kung nadakpan ba or wala? Mas maayo sigurong naay maka-imbestigar niini aron naay percentage kon epektibo ba sila sa paggunit sa reklamo sa katawhan, kay kon mas daghan ang unsolved kay sa solved cases, unsa may tawag ana? Epektibo? Pagklaro mo uy.
**************
Ano na naman kaya ang paliwanag ng magaling magpalusot na si Cuizon tungkol dito? Kung ano ang staff mo reflecto yan kung ano ka magpalakad sa opisina mo Cuizon. Siyempre kung hindi ka epektibo, ano ang mangyayari sa buong organisasyon mo dyan?

Just How Lousy is Ltfrb-Cebu? Read the Complain Letter from a Sunstar Reader!




I stumbled upon this article from the Sunstar website dated December 22, 2013, that describe Ltfrb-7 as a lousy agency as described by the contributor writer. The female who sent this letter to sunstar has the same views in some other ways of what we have observed about  Ltfrb-Cebu headed bu Director Ahmed Cuizon.



The link of this article is



Here's the content from the Sunstar Website, i guess this was also published in the Sunstar newspaper.



*************************


WHILE the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTRFB) in Manila is busy with its newly launched “Oplan Isnabero,” an intensified campaign against abusive public utility vehicle drivers, particularly taxi drivers, here in Cebu we hear nothing from the LTFRB 7. And it seems it doesn’t have any plans to launch something similar.
don’t know if the LTFRB 7 is blind or it just doesn’t care. Abusive taxi drivers are also here in Cebu. What we heard in the news in Manila about taxi drivers who choose their passengers or add P50 to the fare also happens here in Cebu. But what is the LTFRB 7 doing? Nothing!
If you listen to radio interviews, LTFRB 7 officials try to convince the public to report abusive PUV drivers, so they can make an action based on the complaint. They said they also have “Oplan Isnabero” here in Cebu. But instead of assigning their men in public places like malls, LTFRB 7 told the public they can report any complaints to their hotline or they can go to their office.
What kind of Oplan program is that? From the word “operation planning,” oplan simply means operation.
If LTFRB Manila managed to group its personnel with the help of other government agencies to catch abusive drivers in the act, why can’t the LTFRB 7 do the same?
We see stickers on public vehicles that say, “May reklamo ka? Itawag sa LTFRB 231-6221/231-7466.” But few people care to report a complaint because they are busy. They also know that it will take weeks, or months, for the LTFRB to settle the complaint.
I have a friend who waited two months for the LTFRB 7 to apprehend the driver she complained about. She ended up leaving the country to go to work. Two months of waiting and nothing happened.
Cases like these can be found in the LTFRB 7 complaint desks.
So what’s happening at LTFRB 7? President Noynoy Aquino personally appointed Ahmed Cuizon to lead theoffice. Cuizon was once a media practitioner, so obviously he knows the abusive tactics of local PUV drivers.
But why is LTFRB 7 doing nothing, while LTFRB Manila has been in news reports with its intensive operations to catch abusive drivers? 
One other thing that sucks about taxi drivers is that they give our country a bad image. I’ve actually had a couple of foreign friends who say they couldn’t help but have a bad impression of the Philippines because the abusive taxi driver is the first Pinoy they meet.
LTFRB 7 must have the initiative to launch operations against these drivers, encouraging the public to report is a good move but you must act better than that. You must also change your people who handle complaints lazily, put better and aggressive people who have the heart and initiative to speed things up.
Cuizon also hasn’t resolved the problem of overnight street parking. Isn’t it the responsibility of PUV operators to have their own parking garage for their cabs? Is LTFRB 7 checking these kinds of requirements? And what about overloaded PUVs bound for Mandaue that use extension seats?
Can’t the LTFRB 7 come up with an “element of surprise?”
Why wait for the public to come to your office, while hundreds of violators are on our streets?
For you Director Cuizon, you’re asking for more complaint? Ni hindi mo pa nga naaayos yang mga problemang matagal nang dinulog sa yo nong kauupo mo palang sa pwesto mo. --(Zyrene Darapo, Danao, Cebu)
************************************
There you are, may nabasa din tayo na may complain daw na inihain sa Ltfrb-7 na umabot na ng 2 months at wala pa ring resulta. Di ba nakapagtataka? May contact naman ang Ltfrb sa lahat ng operators aabot ba ng dalawang buwan ang isang complain kung talagang trinabaho nila ito? Kung hindi man mahuli ang isang driver, Ltfrb can call the operator para makatulong na mahuli ang driver na gumamit ng sasakyan niya di ba? Di ba pag may naaksidenteng bus, sasabihn agad ng Director nilang si Ahmed Cuizon na pinatawag na nila ang operator at wala pang isang araw may resulta na agad yon. 
Ang tingin ko dito, kung tutukan ng media ang isang kaso, halimbawa bus accident, mabilis pa sa kidlat pala itong si Cuizon humanap ng paraan para mapatawag ang operator, siyempre madaming taga media ang magtatanong sa kanya, pero pag usual complain lang pala na inireport sa kanyang opisina at hindi sensational aabot ng ilang buwan?
Manoy Ahmed Cuizon, talagang mahina ang pamamalakad mo sa Ltfrb, ang sisasabi sa complain letter na ito, ay napansin din namin at naisulat sa blog na ito. Mag-isip isip ka naman kung anong dapat gawin dyan sa ahensya mo, anak ng teteng, pati pala mga tao mo dyan tatanga-tanga sa paggawa ng paraan para mahuli ang nirereport sa inyo, tapos ang lakas pa ng loob nyo magpaskil ng mga stickers sa jeep na nagsasabing FOR COMPLAINS CALL LTFRB, 
Kakapal ng apog niyo, puro hambog, tagal nyo palang nahuhuli ang mga abusado kaya walang gana ang taong bayan magreport sa inyo, iilan pa kayang report dyan ang natatabunan na ng panahon na wala pa rin kayong nagagawa?

Lunes, Marso 17, 2014

Oplan Isnabero, Bakit Hindi Pinatutupad sa Cebu?

Tuwing Pasko naririnig nating talamak ang balita sa National TV tungkol sa ginagawa ng Ltfrb Manila sa operasyon sa tinatawag nilang 'Oplan Isnabero'. Nakikita natin na nagtutulungan ang Land Transportation Office at ang Land Franchising and Regulatory Board sa pagbabantay sa daan sa mga taxi drivers na tumatanggi sa mga pasahero o di kaya namimili ng isasakay, at doon mismo sa kalye sa ganung minuto hinuhuli sila ng mga operatiba. Uso kasi tuwing Pasko na ang mga taxi drivers ay namimili ng pasahero at dahil nga rush hours maraming mga pasahero na nabubuwiset sa ganitong kalakalan ng mga taxi drivers, may iba din na humihingi ng dagdag na P50 sa mga pasahero para lamang sila makasakay.

  (Picture Credit: Solarnews)

Dito sa Cebu, ay walang pagkakaiba ang ganitong istilo ng pang-aabuso ng mga taxi drivers. Marami nang natanggap na ulat ang Ltfrb-7 tungkol dito at halos taon taon nalang ganito ang nakakabinging reklamo ng mga pasahero sa hindi pa ring matigil-tigil na hindi magandang gawain ng mga iilang mga taxi drivers. Pero imbes na gumawa ng operasyon ang Ltfrb-Cebu sa pamumuno ni Director Ahmed Cuizon at sundin ang Oplan Isnabero na ginagawa ng taga Maynila, si Cuizon ay ganun pa rin ang istilo ng kanyang opisina. Naghihintay ng reklamo at sila ang huhuli kung may violation ang isang taxi driver. Bakit hindi kaya mag extra effort itong si Cuizon na magsagawa ng operasyon para madami silang mahuli sa akmang paggawa mismo ng hindi tama sa batas ng mga taxi drivers? Pwede siyang makisama sa taga LTO at bantayan ang lansangan para mahuli agad ang abusado. Kung 100 taxi drivers ang gumawa ng violation noong Pasko at ang nagreport lamang na pasahero sa kanyang opisina ay 2, ibig sabihin ni Cuizon ay ang 98 libre nalang dahil walang complain? Kaya nga tinawag na Oplan Isnabero ang programang ito ibig sabihin operation at hindi yong maghihintay ka ng complain sa opisina at don na kayo magkakarandarapang manghuli. Kagagohan yan! Ganun din sa Maynila pwede kang magcomplain sa kanilang opisina ng Ltfrb, pero naglungsad pa rin sila ng Oplan Isnabero dahil alam mismo sila na maraming pasahero ang busy sa kanilang trabaho at bisita tuwing Pasko at hindi na interesado magreklamo at pumunta pa sa opisina ng Ltfrb. 

Sana mapansin ng Deparment of Transportation and Communications ( DOTC) itong katamaran ni Cuizon na sundin ang Oplan Isnabero at ipatupad ito sa Region 7, o dito na mismo kung saan malapit ang kanyang opisina, dito sa Cebu City. Ilang Pasko na ang nagdaan pero wala tayong nakita sa mga malls na tauhan ng Ltfrb-7 na manghuli sa mga abusadong taxi drivers. Ang palagi nating naririnig kay Cuizon? Itawag sa kanyang opisina para itoy kanyang mapatawag. Kung walang tatawag, walang huhulihin kahit araw-araw tuwing Pasko marami tayong naririnig na namimili ng pasahero ang mga taxi drivers. 

Ano kaya ang laman ng utak nitong si Cuizon? Sana mapukpok ng pangulo ang batok nito para matauhan. Halatang kulang sa political will itong si Cuizon e. Pero mabilis itong magpapapel na bigla nalang magpaparinig sa media na may gagawin silang operasyon na icheck daw nila ang mga bus sa terminal dahil Holy Week na, o di kaya pag may aksidenteng naganap agad agad nyang sabihin sa interview na pinatawag na nila ang operator at may ginagawa na silang imbestigasyon tungkol sa aksidente. Bukas din itong linya ni Cuizon sa lahat ng interview para magkaroon ng impression ang media sa kanya na madali lang siyang tawagan pag kailangan ang panig niya. Pero pag napag-uusapan na ang mga trabahong hindi pa nagagawa ng Ltfrb-7, agad itong magsasabi na wag mag-alala at titingnan nya kung anong magagawa nya dito. 

Suggestion ko lang sa mga Radio blocktimers at mga reporters mapa tv man o radio magresearch muna ng malaliman ( o di kaya basahen ang buong blog na to) at yon ang itanong nyo kay Cuizon, yong mga isyong hanggang ngayon wala pa rin siyang nagagawa. Katulad nong overloading na nakikita natin gabi-gabi sa byaheng Carcar, Danao, Tabunok at kung saan-saan pa. Isali nyo pa yang Overnight parking at ano ang gagawin nya dyan, may pangako sila dati sa tutuunan nila ng pansin yan, naging pansit na at panis ang pangako ng Cuizon na yan.

Mahirap talagang magtiwala sa taong walang tapang, maraming salita wala namang malaking pagbabagong nagagawa sa kanyang ahensya! 

Maraming Suggestion, Walang Gana sa Operasyon!





Naalala ko dati, habang nanonood ako ng TV tungkol sa public hearing na isinigawa ng Ltfrb-7, maraming suhestyon ang publiko para makatulong sa Ltfrb na mapatupad ang batas, at habang pinakikinggan ko ang ilan sa mga yon, masasabi kong maganda sana kong talagang ipapatupad ang mga yon. Nandoon mismo si Ltfrb-7 Director Ahmed Cuizon kasama ang ilang matataas na opisyal ng kanyang opisina habang ang publiko ay buong pusong nag-aalay ng kanilang naiisip na paraan para mapaganda ang takbo ng transport section sa Rehiyon 7. Heto ang ilan sa mga naaalala ko at paanong ang mga suhestyon na ito binawaleng wala ni Cuizon at ng mga kasama niya.



1) Magkaroon ng regular na check-up ang Ltfrb sa mga pampublikong sasakyan para malaman ang mga bulok at hindi na dapat ibyahe. Yon bang sirang-sira na at kulang sa maintenance na kapag umuulan e kawawa ang mga pasahero dahil siguradong mababasa, o di kaya ang mga upoan ay ilang taon nang di naayos na kapag nakaupo ka kulang nalang masisira dahil sa sobrang kalumaan. - Hindi ito napatupad ng Ltfrb, ang sagot ni Cuizon noon pag-iisipan pa nila, pero kapag tinatanong na siya tungkol dito pagkalipas ng ilang mga buwan, ang sagot niya ay ang dating bulok pa rin na dahilan na kulang sila sa tao. Naku naman, wala ba kayong budget para maisagawa at maiayos ang bulok na dahilan na yan?



2) Dahil usong-uso nga ang pagiging tuso ng mga jeepney drivers na kahit kitang-kita na estudyante ang pasahero hindi ito binibigyan ng discount na 20%, may nagsuggest na para malaman talaga ng lahat ng estudyante na may discount sila sa pamasahe, maglagay ng signage o kartola ang Ltfrb sa mga exit ng paaralan kung magkano lang dapat ang pamasahe ng estudyante. Halimbawa: Student Minimum fare P6. For violation call Ltfrb Tel. ___. Dahil hanggang ngayon, marami pa ring mga estudyante ang hindi alam na may discount sila sa pamasahe o kung may alam man sila, akala nila less P1 lang sila, pero ang totoo ang discount nila ay 20%. Sa pamasaheng P7.50 lang, P6 lang sila. Maraming nagbabayad ng P7 na estudyante sa jeep. Ibig sabihin, kulang ang nalalaman ng mga estudyante tungkol sa fare discount. - Hindi na daw kailangan ito dahil nabalita na ito sa mga pahayagan at sa radyo na ang mga estudyante may discount sa pamasahe. Kung talagang tama ang pag-iisip nitong si Cuizon, dapat nyang maintindihan na maraming estudyante ang hindi nanonood ng mga balita o nagbabasa ng mga diyaryo, kung nagbabasa man showbiz page ang hilig ng mga babae, at sa mga lalaki sports section. Ipalagay na natin na hindi narealize ito ni Cuizon, pero may nasasagap siyang maraming balita at reklamo sa opisina niya mismo na maraming drivers ang hindi nagbibigay ng discount sa pamasahe ng mga estudyante. Ang palagi nyang sagot dyan ireport sa kanyang opisina para mahuli nila. Teka, don tayo sa suggestion, hindi ba kaya ng Ltfrb-7 na sundin ang suggestion putting a signage sa mga exit ng paaralan that says how much is the minimum fare ng mga estudyanteng pasahero? Bakit panay ang hambog nila na ireport sa kanila na para bang mabilis silang manghuli e tambak na nga sila ng mga kasong di pa nila nahuhuli na natatagalan na? Alam mo ba ito Cuizon? Ang hirap sa yo, sirado ang taenga mo pati utak mo sa pag-iisip. Ang suggestion na ito ang magbibigay ng lakas ng loob sa mga estudyante na magreklamo sa drivers sa loob mismo ng jeep, kung di sila binibigyan ng discount kasi nakita nila ang paalala ng Ltfrb kung magkano lang ang pamasahe nila. At dito malalaman nila na 20% ang discount nila at hindi piso. Baka tinatamad ka lang magpatupad nito Cuizon dahil dagdag trabaho na naman ng opisina mo. May mali ba sa suggestion na ito? Di ba wala naman?




3) Maglagay ng tarpaulin sa mga terminal ng malls o sa mga lugar na talamak ang maling pangongolekta ng pamasahe na nagsasabi kung magkano ang minimum at kung magkano talaga kung aabot ka sa dulo ng ganung byahe. Sa isang interview sa local na radio station, tinanong si Cuizon bakit dumarami ang mga drivers na imbes mangolekta ng mga P15 for two passengers, P16 daw ang kinukuha ng mga ito, kahit ang minimum na pamasahe ngayon ay P7.50. Nakangiti pa itong si Cuizon na sumagot na may mga kababayan daw tayong drivers talaga na mga tuso, na ganun ang kalakalan. - Talaga yatang tagilid ang pag-iisip nitong si Cuizon ano, di ba dapat pag may narining ka na ginagago ang batas na ginawa ng opisina mo ay dapat tatas ang kilay mo? o di kaya magagalit ka at ang tunog ng boses mo ay mala-Duterte kasi alam mong may mga taong inaabuso ang utos ng ahensya mo kung magkano lamang ang tamang pamasahe? Bat itong si Cuizon nakangiti pa? Tang ina, nag-utos ang Ltfrb na P7.50 pala ang pamasahe tapos kung magbabayad ang dalawa gagawin ng driver P16 ang kukunin? Ano ang tawag dyan Cuizon? Tapos nakangiti ka pa ng pinaalam sa yo ito? Ang suggestion na maglalagay ng tarpaulins na nagsasabi kung magkano ang minimum fare ay tama kahit sino ang tanungin mo. Ang sagot mo din dito di na kailangan. E bakit dumadami ang mga drivers na gumagawa ng pangongolekta ng sobra? At ang mga pasahero balewala lang, kasi akala din nila P8 ang minimum na pamasahe. Ngayon, sasagot ka na di na kailangan? Sumakay ka ng jeep Cuizon, isang buwan para makita mismo ng mga mata mo paano binababoy ng mga drivers o kundoktor ang batas madatos ng ginawa ng Ltfrb-7. At pagkatapos dun ka ngingiti-ngiti para dapat nang itawag sa yo - Baliw!



Kahit ganito lang ang hitsura ng tarpaulin na pwedeng ilagay ng Ltfrb-7 sa mga malls at schools, malaking tulong na sa information drive ng mga pasahero. Bakit hindi ito ginawa ni Cuizon? Kung hindi niya naisip, may nagsuggest na, pero ang utak ni Cuizon ay talagang sirado sa pagpapatupad ng mga bagay na malaki sana ang maitulong sa kanilang ahensya.




Marami pang suggestion na natanggap ang opisina ni Cuizon pero ewan ko kung anong laman ng ulo niya. Siguro pinipili lang niya ang gusto nyang ipatupad o yong hindi masyadong mahirap, pero alam naman nating lahat na maraming nasa batas na responsibilidad ng Ltfrb-7 na hindi na naipatupad. Pero sana dahil mahilig ngang magparinig itong si Cuizon na handa siyang makining sa mga suggestion ng taong bayan, sana seryosohin nya naman, makikinig lang pala itong si Cuizon pero mapupunta sa wala ang mga dapat sanay makakatulong sa mga pasahero at transport sector. Pagpinakikinggan mo itong si Cuizon sa radyo, boses malumanay ito na akala mo seryoso at gumagawa ng tamang trabaho sa Ltfrb-7, yon pala maraming palpak at bingi sa suggestion ang taenga nitong si Cuizon. 

Ngayong may nalalapit na namang public hearing tungkol sa pagtaas ng pamasahe, makakarinig na naman tayo ng mga good suggestions mula sa taong bayan, makikita na naman natin itong si Cuizon pati ang kanyang mga kasama na makikinig sa taong bayan, pero marami sa mga mungkahi ang pinalulusot lamang ni Cuizon sa kabila nyang taenga. Kahit alam natin na ang ibang suggestions, maganda sana kung maipatupad, pero dahil utak kalabasa itong si Cuizon hindi siya gagawa ng paraan para maipatupad ang mga yon. 




Sabado, Marso 8, 2014

Overnight Street Illegal Parking. Ano ang Nagawa ng Ltfrb?

Hindi na kaila sa atin na kapag umuwi tayo sa gabi galing trabaho, habang nagmamaneho nakakapansin tayo ng mga nakaparadang sasakyan sa daan na para bang ginawa na ng ilan ang kalsada bilang kanilang sariling parking area. Kadalasan dito ay mga taxi na parang walang kinatatakutan kahit na nasa batas na bawal ang ganyang gawain. Sa Cebu nagiging normal na sa mata ng karamihan ang ganitong kalokohan.


Ang ahensya ng gobyerno na inatasang umaksyon sa mga ganitong bulok na ugali ng ilan sa atin ay ang Land Transportation and Regulatory Board. Ang bawat operator na mag-aaply ng prankisa ng isang pampublikong sasakyan ay kinakailangang magsubmit ng litrato o sketch ng kanilang garage at ebidensya sa pagmamay-ari ng garage na yon sa loob ng limang taon o higit pa. Sinasaad din na dapat ang garage ay dapat 35 square meters kada unit para sa mga bus, 20 to 25 square meters para sa mga jeep at 15 square meters per unit para sa mga taxi.
Pero ang inspeksyon sa actual na lugar ay hindi na ginagawa ng Ltfrb 7 dahil kulang daw sila sa tao. Hindi pa ba tayo nabibingi sa mga ganitong kadahilalan?


 Inatasan din ang mga Regional Directors ng Ltfrb sa buong kapuloan na magsagawa ng inspeskyon sa lahat ng parking garage ng lahat ng pampublikong sasakyan kada isang taon, meaning hindi pa kasali diyan yong pag-inspeksyon sa lugar noong nag-apply palang ng prangkisa ang isang may ari o operator. Hindi rin nagagawa ito ni Cuizon at kung may nainspeksyon man siya, sigurado yon lang yong mga nasasangkot sa gulo o di kaya yong nabalita sa media para pag tinanong siya ng mga reporter, handang handa na siya na parang ang dating sa mga nakikinig at nanonood ng mga news ay ginagawa naman pala nitong si Cuizon ang kanyang trabaho.



Talaga lang ha, talamak na talaga ang ganitong kalokohan ng mga operators at si Cuizon mismo ay may power siyang bigyan ng leksyon ang sino mang hindi sumusunod sa batas. Pwede nyang irevoke o kanselahin ang prankisa ng mga tarantadong gumagawa ng kalokohan sa batas ng garage parking. Hindi na naiisip ni Cuizon na kung may isang sinungaling na operator na nagpakita sa kanya ng parking garage claiming na kanila yon pero sa totoo naman ay hindi, siya ang unang ginagawang gago? Na kung may litrato nga ng garage pero after a few months tinatayuan na ito ng estraktora at ginawang negosyo si Cuizon na nalalagay na unang naloko? 



May utos na din dati noong 2013 concerning Ltfrb 7 Officials and employees na ireport sa kanilang Regional Director ( Cuizon ) kung may nakita silang ganitong labag sa batas na gawain tulad ng illegal parking sa daan tuwing gabi. Ang tanong may nagreport ba?



Noong nakaraang taon sinabi din ng taga Ltfrb 7 na isa sa mga misyon nila ay siguraduhin na may tamang parking space garage ang mga pampublikong sasakyan tulad ng nakasaad sa batas. Cuizon? Ano na? Ano na ang nagawa mo tungkol dito?



Hindi ka ba pwedeng magalit sa mga manloloko? Di ka ba marunong mainsulto na ginagago ka lang ng karamihan? Kahit magalit ka man lang sa mga tao mo, kasi sila mismo inutusan na magsumbong sa yo kung may mga illegal parking silang nakikita. Kung di sila nagsumbong, di ka ba nagtanong na 'Asan na ang mga report nyo? Imposibleng wala kayong nakita". Sige pakikinggan natin yang rason mo na kulang ka sa tao, helongkingkong naman, wala ka na bang magawa dahil kulang ka sa tao? Yon ngang mga tao mo dyan na tao mo na inutusan ngang magreport sa yo, walang nagsumbong sa yo. Inutusan sila pero binalewala nila? Kung ako ikaw, sinuspend ko isa-isa yan.



Ayosin mo ang trabaho mo Cuizon. Hindi na uubra ang masyadong mabait sa posisyon na yan. May kapangyarihan kang manakot at pokpokin sa ulo ang mga hindi sumusunod sa batas. Wag ka ng magpalusot, ang kulang sa yo political will. Ilang taon ka na bilang Head, ilang ulit ka ng ginawang tanga ng mga operator. Magpakita ka naman ng yong galit at kamandag. Huwag mo nang paabutin na matapos na ang panunungkulan mo at don mo marining ang mga sabi-sabing "Si Cuizon? Wala namang nagawa yan sa Ltfrb 7, kita mo ganun pa rin, madami pa ding gagong di sumusunod sa batas.



(picture credit 4.bp)




Who is Ahmed Cuizon?

Noong 2010, ina-point ng Malacañang sa pamimili mismo ni Pangulong Noynoy Aquino III si Ahmed Cuizon bilang bagong direktor sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board Region 7.  Kung ating balikan ang taong 1998, inindorso din ng dating Cebu City Mayor Tommy Osmeña itong si Cuizon na pamunoan ang nasabing ahensya. Siguro nakita nilang may karanasan at leadership record naman itong si Cuizon na pamunoan ang ganitong klaseng posisyon, kaya kampante silang magagampanan ni Cuizon ang Ltfrb 7. 


Kung tutuusin, itong si Ahmed Cuizon ay dating Public Affairs Manager ng Mactan-Cebu International Airport Authority o MCIAA, na parehong agency na nakakapit sa DOTC o Department of Transportation and Communications. 



May karanasan din itong si Cuizon bilang manunulat sa isang pahayagan sa Cebu, at naging news and public affairs host din siya sa DYAB-Cebu noong 2013.


Ang mga sumusunod ay ang record ni Cuizon as a Public Servant.


*Division Manager C,Public Affairs Office, [[Mactan-Cebu International Airport]] Authority, April     2003 - December 2010


*Senior Public Relations Officer, Public Affairs Office, Mactan-Cebu International Airport Authority, November 1996 – March 2003


*Senior Planning Officer, [[Metro Cebu Development Project]],  March 1996 – November 1996


*Human Resource Management Officer, Metro Cebu Development Project, March 1992 – February 1996


*Information Systems Analyst, Metro Cebu Development Project,  July 1991 – February 1992


*Project Development Officer, Metro Cebu Development Project, January – June 1991


*Public Information Officer, Department of Public Works and Highways (Philippines), Project Management Office – Manila,   July – December 1990


*Senior Clerk, Philippine Information Agency – Region 7,  June 1990


*Artist / Illustrator, Philippine Information Agency – Region 7, July 1989 – May 1990




Ngayong alam na natin ang track record nitong si Cuizon bilang isang mediaman at bilang isang government employee. Masasabi ba nating tama ang pagkalagay sa kanya bilang Direktor ng Ltfrb 7? May mga malaking pagbabago bang naganap? O ang sistema e papogi points nalang palagi pero sa likod ng mga yon ay ang kulang kulang na sirbesyo ng ltfrb bilang inatasan na magpatupad ng reporma at proteksyonan ang pangangailagan ng madla mapasahero man, driver o operator?


(picture credit from DYAB)